Saturday, December 11, 2010

Ang KATOLIKONG unawa na ang Shepherd na daw ay ULO ng Iglesia

One Shepherd is does NOT in anyway say BEING the HEAD of the Church

Merong pong isang Katolikong nagpapahayag sa blog na Tumbukin Natin ang kanyang KAKAIBANG unawa po na kapag SHEPHERD daw ay ibig sabihin na raw ay ULO na ng IGLESIA.
Kapag logic nga naman talaga gagamitin na nagmumula lang naman sa KARUNUNGAN ng TAO abay talaga pong ang unawa ng gayon ay parang asong gala. Walang amo.

Dahil pati paniniwala at aral ng KATOLIKO ay TINATAMAAN din po ng gayong MALING LOGIC.

Hindi po tayo naninira, ang ninanais lang natin ay TUMBUKIN DIN NATIN kung nakasalig din ba sa TAMANG UNAWA ang gayong PANINIWALA.

Sabi po niya ukol sa kanyang sarili ay:
I was born and raised a Roman Catholic and my search for Truth led me to firmly believe in Catholic Christianity. The Catholic Church is the Pillar and Foundation of Truth (1 Timothy 3:15).
It is interesting to note he says "TRUTH LED ME" pero sa pagbabasa po natin sa kanyang mga sagot sa nag comment sa kanyang blog na LOGIC ay dapat gamitin.

E di MALINAW na po his LOGIC LED HIM not the TRUTH. Kung totoong  ang KATOTOHANAN ang UMAAKAY sa iyo bakit kinakailangan pang gamitin ang PANSARILING LOHIKA? Di malinaw na HINDI NASAPATAN sa KATOTOHANAN lang pagkat nangangailangan siya ng LOHIKA.

Iba po ang LOGIC sa TRUTH na NASUSULAT sa KASULATAN. Logic is NOT really an EXACT science, na magagamit para makarating sa TUNAY NA DIWA ng NASUSULAT.

Marami na po ang NALIGAW niyan. Kaya po DUMARAMI ang iba't ibang relihiyon dahil sa iba't ibang PANINIWALA bunga lang ng PANSARILI nilang mga LOHIKA.

Abay maliligaw talaga siya tulad ng mga napapaniwala niya.  Na gusto lang gamitin ang LOGIC upang MAISAKATUPARAN nila ang tunay na HANGARIN nila na MANIRA. Hindi naman po ito katakataka.

Dahil sabi nga po ng isang kapatid malinaw na maging ang sinabi ni Ka Ventilacion ay BINAGO:
Bro.Cenon said according to him was spoken by Bro.Joe Ventilacion in the video:

"THERE IS ONLY ONE FLOCK. THERE IS ONE CHURCH. THERE IS ONLY ONE SHEPHERD. THAT SHEPHERD IS BRO. FELIX MANALO, NOT JESUS CHRIST."

Bro.Joe Ventilacion actually said:

“We beleive that when Christ said I shall have other sheep, THERE SHALL BE ONE FLOCK, THAT’S ONE CHURCH, THERE SHALL BE ONE SHEPHERD, THAT SHEPHERD IS BRO.FELIX MANALO NOT JESUS CHRIST because Jesus Christ said “there will be” that is in the future...”
Makikita na po natin agad na MAHILIG BAGUHIN ng mga ganitong uring Katoliko na ang tunay na hangarin lang po ay MANIRA. Hindi man lang NAHIYA. Pagkatapos ipaskil ang video link at ikumpara natin sa IPINASKIL niya sa kanyang blog e MAGKAIBA po sa ACTUAL na sinabi ni Ka Joe.

Pagkatapos pansinin po natin ang sinabi niya naman gamit ang LOGIC niya para lang MAMARATANG base sa sinabi ni Ventilacion:
MALINAW pong SINABI ng MINISTRO NINYONG si JOSE VENTILACION na si MANALO NA ang ULO ng IGLESIA NINYO at HINDI NA SI CRISTO.
Malinaw nga naman...malinaw na hindi nauunawaan ang sinasabi niya bunga lang sa maling lohika. Malinaw din PINAAYON lang po sa kanyang MALING PAKAUNWA. Na umuugat lang naman sa masamang hangarin upang MANIRA. Napaka PILYA talaga. Wag naman ganun dear Bibe.

Ang SINABI po ni Ka Joe dear Bibe ay "THAT SHEPHERD IS BRO.FELIX MANALO NOT JESUS CHRIST". SHEPHERD po si Ka Felix hindi ULO NG IGLESIA ang sinabi ni Ka Joe. Mantakin mo naman BINAGO pa yun TOTOONG SINABI ni Ka Joe. Di malinaw po na NANINIRA talaga.

Take note po HINDI PO gayon sinasabi si Ka Joe. Mga taong may gayon masamang hangarin mahilig maglagay ng pananalita sa bibig ng iba. At IPAPA-AKO kay Ventilacion ang UNAWA niya. Wag naman pong ganyan dear Bibe.

Nakakalungkot talaga na maraming mga ganitong mga nagpapagamit sa MANGLILINLANG NA ESPIRITU o DECEIVING SPIRITs.

Ito pa po pagpapatuloy niya:

NAPAKALINAW po sa mga SINABING IYAN ni JOSE VENTILACION na HINDI NA SI KRISTO ang PASTOL ng mga KAANIB ng INC kundi si FELIX MANALO NA.

Ano po ba ang PASTOL? Hindi po ba SIYA ang NAMUMUNO o NANGUNGULO sa KAWAN? 
NAPAKALINAW nga...na kaya po nais ni dear Bibe na IUGNAY ang pagiging PASTOL sa ULO NG IGLESIA ay para MAIPANIRA niya ngayon na si Ka Felix na ngayon ang ULO NG IGLESIA at di na si Cristo na HINDI KAILANMAN SINABI ni Ka Joe.

Sige po sabihin natin na si Cristo ang SHEPHERD ayun sa ating dear Bibe... kung si Cristo naman ang magiging actual na GAGANAP na PASTOL dear Bibe e DI PAGHUHUKOM na. MALI po ang gayon UNAWA.

Biruin mo sasabihin ng ating Bibe na si JESUS daw po ang GAGANAP dun sa katagang ISANG PASTOL nung isang KAWAN na tinutukoy ni Jesus. E saan na ngayon si Jesus? ALING IGLESIA SA ATING MUNDO ngayon na si JESUS ang actual na GUMAGANAP ng pagiging PASTOL?

Ang laking pagkakamali po ang gayon UNAWA.

E yun PAPA sa Roma inaako pong PASTOL din siya baka di mo ata alam yun my dear. Maging ang mga PARI ninyo. Sangkaterbang ULO ng iglesia ninyo kung gagamitin natin ang PANSARILING LOGIC mo di po ba? My gulay naman dear Bibe, kung di kita kilala aakalain kung KOMEDYANTE ka.

The Pope is the "teacher of all Christians", the "chief shepherd of the shepherds and their flocks". "Peter, standing up with the Eleven, lifted up his voice and spoke out to them ..." (Acts 2:14). The word "Pope" is derived from the Latin term papa, which means "Father".
http://www.willingshepherds.org/My%20Catholic%20faith/My%20Catholic%20Info.htm#Catholics%20Do%20Not%20Believe: 
Ang Papa nga raw po ay PUNONG PASTOL nga ayun sa aral ninyo o PANINIWALA. Si Cristo ba yan dear Bibe? Obvious naman pong HINDI.

The TRUTH lang po hindi LOGIC dear Bibe. Ililigaw po tayo ng gayon unawa.

Tandaan lang natin ayon sa Wikipedia ukol sa PASTOR:
The term "Pastor", originally the Latin word for "shepherd", is now used solely to denote the clergy of most Christian denominations.
At ito pa po ang kahulugan sa ibang established na referencia ukol sa Shepherd at ang TUNAY na GAMPANIN nito. Hindi po PEKEng UNAWA na mula lang po sa PANSARILING LOGIC:
The pastor of a church; one with the religious guidance of others.
a person who protects, guides, or watches over a person or group of people
to tend or guard as a shepherd: to shepherd the flock.   
Na ito rin naman ang PANINIWALA ng mga KATOLIKO my dear Bibe.

Wala pong MAIPAKITA sa KASULATAN o REFERENCIA man lang  itong si dear Bibe na tutugma sa kanyang UNAWA.

Meron po ba? ASAN po ang ESTABLISHED REFERENCE na tumutukoy po na ang ISANG SHEPHERD AY KATUMBAS NG ULO NG IGLESIA?

Masama pong HUHUGOT nalang sa PANSARILING LOGIC ninyo at IPINAAYON sa KAPRITSO lang upang MANIRA. Wag naman ganun my dear Bibe. Bad yan.

Kaya po hindi dapat tayong maniwala agad sa isang taong nagSASABI na TRUTH LED ME pero ng sukatin yun ay PANSARILING LOGIC pala niya ang tunay na sinusunod niya.

Kung tutol kayo dear Bibe di pakibigay po ang REFERENCIA man lang kahit sa mga LIBRONG KATOLIKO na TUTUGMA sa LOHIKA ninyo. Obvious naman po kasi KASINUNGANLINGAN po ang gayun.

Bagamat inihain na po ng ating kapatid na:
Dahil kung tatanggapin natin na ang kahulugan ng salitang “shepherd” ay Ulo ng Iglesia, Masama ang mangyayari, dahil ilan ba ang “shepherd” o pastor na sinasabi sa Biblia:

Eph 4:11 “and He gave some as apostles, and some as prophets, and some as proclaimers of good news, AND SOME AS SHEPHERDS and teachers,”
Marami pong “shepherd” o “pastor” sa Biblia, na inilagay ni Cristo para sa ikatatatag ng katawan niya o Iglesia (Col 1:18). Kung ang paliwanag mo SimplyCatholic na: SHEPHERD = HEAD OF THE CHURCH, lalabas maraming HEAD o ULO ang Iglesia, e nasan sa Biblia yun? Sige nga magbigay ka ng verse na marami ang HEAD o ULO o PANGULO ng Iglesia?
Tama po ang aking kapatid dadami po ang ULO o PANGULO ng Iglesia kung tatangapin natin iyon.

Pero sadyang may kahinaan talaga ang isipan ng ating Bibe. Na hindi naman ito kataka taka dahil ang hangarin lang naman talaga nila ay MANIRA kahit sarili nilang iglesia rin ay SINISIRA.

Gayon po talaga ang naliligaw. At ito nga pa ang pagTUTOL at sinasabi ng ating Bibe:
"SHEPHERD" po ba IN GENERAL ang TINUTUKOY ni SIMPLYCATHOLIC o ang "ONE SHEPHERD" ng "ONE FLOCK"?

Kung BINASA lang po NINYO ang BUONG SINABI ni SIMPLYCATHOLIC ay NAKITA SANA NINYO na ang "ONE SHEPHERD" ng "ONE FLOCK" o "ONE CHURCH" ang TINUTUKOY NIYA.

E SINO po ang ONE SHEPHERD na IYAN ng ONE CHURCH? Si KRISTO po.

Si KRISTO LANG ang NAG-IISANG SHEPHERD ng NAG-IISANG IGLESIA.

Ngayon, HINDI ko po KAYO MAPIPILIT kung HINDI NINYO TANGGAP na si KRISTO ang "ONE SHEPHERD."
O ngayon naman may SHEPHERD in GENERAL pa. Ano ba kaibahan sa Shepherds na tinutukoy ng Epheso 4:11?

Abay ikaw itong nagsasabi na ang SHEPHERD o PASTOL ay siya NAMUMUNO o NANGUNGULO sa KAWAN?
Ano po ba ang PASTOL? Hindi po ba SIYA ang NAMUMUNO o NANGUNGULO sa KAWAN? 
Malinaw naman po sinabi mo PASTOL  hindi naman po ISANG PASTOL. At para NAMAN MAY PAGKAKAIBA ukol dun sa pinagUUSAPANG termino na PASTOL.

Naipit lang itong mga NANINIRA mga kababayan, naghahain pa ng dahilan SHEPHERD IN GENERAL daw.

Bakit dear Bibe KAPAG in GENERAL ba kamo ginamit ang PASTOL o SHEPHERD e hindi na ngayon ULO NG IGLESIA o HINDI NA NAMUMUNO o NANGUNGULO?

Pakisagot po ng magkaalaman po tayo?  IPAKITA ninyo dear Bibe saang AKLAT man lang ng KATOLIKO na TUTUGMA sa PANSARILI mong LOHIKA? Aral ba ito ng KATOLIKO o nagIMBENTO ka rin tulad ng pangalang "CATHOLIC".

Para bagang kapag sinabi niya IN GENERAL ay NABABAGO na yun KAHULUGAN ng terminong SHEPHERD.

Huwag po kayong magpaloko sa gayon isipan dear Bibe.  MALINAW kasi pong ILLOGICAL ang gayon UNAWA.

KATUNAYAN ni WALA kayong MAIHAIN na official na ARAL ng KATOLIKO ukol diyan sa PINAGSASABI ninyo.  Nasa KATEKISMO ninyo ba ito? o kahit sa CATHOLIC ENCYCLOPEDIA ba kaya? o alin man lang sa aklat katoliko kaya? saan po?

Mantakin mo naman po ang PAPA SA ROMA nga may pahawak hawak pa ng  tungkod na tumutulad sa ginagamit ng isang PASTOL maging KASUOTAN niya, UPANG IPALARAWAN sarili bilang PASTOL. nagPAPANGAP lang ba PAPA mo dear Bibe? Costume lang po ba yun? Si Jesus ba yun?

Kung SUSUNDAN natin yan KAKATUWANG UNAWA ninyo lalabas na ang PAPA SA ROMA ang ULO NG IGLESIA ninyo HINDI SI KRISTO.

Pero ang totoo po niyang mga kababayan itong ipinaparatang po sa INC ni dear Bibe ay HINDI TOTOO. Dahil wala pong sinasabi si Ka Ventilacion na si Ka Felix an ULO.

Kungdi si Ka Felix yun PASTOL na GAGANAP sa tungkulin na yun ganun LANG PO KA SIMPLY yun. Pagkat si Jesus ay nasa langit na. Hindi po niya ACTUAL na MAGAGAMPANAN yun pagka PASTOL.

Kung si Jesus po ang ACTUAL na GAGANAP ng pagkaPASTOL dun sa tinutukoy na ISANG KAWAN e di pagHUHUKOM na. Dahil ang pangalawang pagparito ni Jesus ay PAGHUHUKOM na po di po ba?

GINANPANAN ni Ka Felix ang pagiging PASTOL at itinatag ang KAWAN ni Cristo na ITINATAWAG din naman sa kanyang PANGALAN. At yun po ay ang IGLESIA NI CRISTO.

At naririnig ng IGLESIA si Cristo and mga ARAL ni Jesus sa PAMAMAGITAN ng pangangaral ng PASTOL . Ang aral ni Jesus ay napapaloob sa NASUSULAT hindi UMUUGAT sa PANSARILING LOHIKA ng TAO.

At ang ARAL ng INC ay si Jesus ang ULO NG IGLESIA. Bagamat namayapa na si Ka Felix, nagtalaga siya ng mga Pastol at yun pinangunahan ni Ka Erdy at sa kabila ng batikos na babagsak na raw ang INC sa pagkawala ni Ka Felix.

Lalo pang pinagtagumpay ng tunay na Diyos ang INC,  at nakarating ito sa iba't ibang panig ng mundo. Bagamat nalungkot kami sa pagya-o ni Ka Erdy. Natapos ng aming pinakamamahal na kapatid ang kanyang takbuhin. Tanyag at kinikilala na ang INC maging sa iba't ibang dako ng mundo.

Ipinagpatuloy ni Ka Eduardo ang gampanin ng kanyang ama na pangalagaan ang Iglesia Ni Cristo. Gampanin ng isang PASTOL. Hanggang sa muling pagbabalik ng aming PANGINOONG JESUS.

Nang MAWALA na ang MGA APOSTOL, InABANDONA ng unang Iglesia ang pangalan na nagTATAGLAY ng pangalang ng Panginoong Jesu Cristo .

At PINALITAN ng pangalang KATOLIKO o CATHOLIC. TINALIKURAN ng mga pumalit sa mga APOSTOL ang NAPAKAHALAGANG PANGALAN ni Jesus. Hindi nila ito maiKAKAILA.

Ang PASTOL po ay HINDI ULO NG IGLESIA dear Bibe. Pagkakaalam ko ang mga PARI maging ang PAPA SA ROMA ay naniniwalang sila'y mga PASTOL. Kaya nga po maging kasuotan nila nakasalig sa kasuotan ng mga NAMAMASTOL ng tupa. Di po ba? bawat isa ba sila mga ULO NG IGLESIA?

Bagamat marami mang mga PASTOL sa iglesia, isa lang po ang ULO NG IGLESIA Ni Cristo at yun po ay si Jesu Cristo.

2 comments:

  1. ALAM ko po Kung bakit Ganyan ang unawa ng CENON bibe na yan dahil nakasagutan ko rin po iyan....... Ito po ang unawa niya:
    CENON BIBE: NANGYARI na nga po LAHAT e. NAMATAY sa KRUS si KRISTO, NABUHAY MULI, UMAKYAT sa LANGIT, BUMABA sa PAMAMAGITAN ng ESPIRITU SANTO ... LAHAT na po NAGANAP kaya NAKAPASOK NA sa LANGIT ang mga NANIWALA sa DIYOS ANAK.

    Kita na po ninyo nangyari na po daw LAHAT! ang MULING pagparito ni CRISTO oh ang MULING PAGKABUHAY ng mga patay at PAGHUHUKOM..... Kaya ang ARAL ngayon sa loob ng KALOLIKA ay lihis sa KATOTOHANAN! 2TIMOTEO 2:18 LUMIHIS sila sa KATOTOHANAN at sinisira nila ang PANANAMPALATAYA ng iba. Itinuturo nilang NAGANAP na ang MULING PAGKABUHAY ng mga PATAY…

    Kaya nga para sa KANILA si CRISTO na ang ACCTUAL na gumaganap na PASTOL sa kanila! DAHIL para sa kanila NANGYARI na ang LAHAT....

    ReplyDelete
  2. Kung bumaba nga si Criso uli sa pamamagitan ng Espiritu Santo. NagHUKOM na ba? abay WALA pa. Kaya malinaw na MALI ang UNAWA lang po niya.

    Kung nakapasok na kamo sa langit ang mga NANIWALA sa DIYOS ANAK abay bakit nandito pa sila?

    E maging mga PEDOPHILE PRIESTs nila ay NANINIWALA din sa DIYOS ANAK nila. Abay bakit ginagastusan pa nila ng milyon milyon dolyares kung nasa langit na pala itong mga SEXUAL PREDATORs?

    Abay nakakaawa po talaga ang mga tulad ni Bibe kung yun po ang paniniwala niya.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...