Monday, January 3, 2011

Ang Pagbabawal Sa Pagkain ng Dugo ay Panghabang Panahon

Did the Apostles or the first christian's ever did what the Catholics are doing?

May mga defensor katoliko na nagAAKALA po na ang DUGO raw ay maaaring  ITURING PAGKAIN ng isang TUNAY NA KRISTIYANO. 


MALI pong AKALAIN na puwede ITURING na PAGKAIN ang DUGO. Sa mga TUNAY NA LINGKOD ng DIYOS hindi po PAGKAIN ang DUGO.


At batay sa MALING AKALA nilang ito dun din po UMUUGAT naman ang pagPAPARATANG nila sa Iglesia Ni Cristo na HINDI daw po nakakaALAM sa kasulatan. Nakabatay lang po sa kanilang MALING PAGKA-UNAWA.


Ano po ba ang PAGTUTURING at PAGKA-UNAWA ng mga TUNAY NA LINGKOD ng Diyos ukol sa DUGO? At ALIN ALIN po ang IBINIGAY ng DIYOS na PAGKAIN sa kanyang mga TUNAY NA LINGKOD? 


UNAWAIN ninyo kung ALIN ang PAGKAIN ibinigay at kung ISINAMA ba ng DIYOS ang DUGO bilang PAGKAIN? Ito po ang pahayag ng Diyos sa kanyang lingkod na si Noe:
Genesis  9:1-4 "At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila'y sinabi, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa. 
"At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay."
"Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga SARIWANG PANANIM na lahat ay IBINIBIGAY KO SA INYO."
"Nguni't ang LAMANG MAY BUHAY, na siya niyang DUGO , ay HUWAG NINYONG KAKANIN"
Maliwanag po sa talata ng KASULATAN sa mga UNANG LINGKOD NG DIYOS na IBINIGAY ng Diyos ang mga hayop, ang mga isda, ang mga ibon, at ang mga pananim upang maging PAGKAIN ng mga TAO. 


Take NOTE po... Ngunit MAHIGPIT na ITINAGUBILIN ng Diyos kay Noe at sa kaniyang mga anak na HUWAG NILANG KAKANIN ang DUGO. Bakit? pagTIYAGAAN lang po ninyong basahin ang buong article na ito.


Ang DUGO ay BUHAY ayun sa BANAL NA KASULATAN.
Deut 12:23 “Lamang ay pagtibayin mong HINDI MO KAKANIN ANG DUGO: SAPAGKA’T ANG DUGO AY SIYANG BUHAY; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.” 
Take note po ang MALINAW na PAGTUTURING at PAGKA-IBA ng DUGO sa PAGKAIN na ibinigay ng Diyos sa TAO. Bagamat may mga magsasabi man na HINDI NA KUNO BAWAL WALA pong GAYON turo maging sa panahon ng mga Kristiyano.


PAGKAT sa panahon pa ni Noe ang DUGO po ay HINDI TINUTURING PAGKAIN na INAAKALA ng iba. Kaya po dun sa mga MAHILIG MANGATUWIRAN ang tanong po natin sa KANILA:
PAGKAIN PO BA ANG PAGTUTURING ng mga UNANG LINGKOD NG DIYOS sa DUGO?
Dun palang po sa PAMANTAYAN na iyan MAKIKITA na po NATIN ang PAGKAKAIBA sa TUNAY NA LINGKOD at HINDI TUNAY.

Dati po akong KATOLIKO ngunit ng MALAMAN KO ANG KATOTOHANAN na ito ay UMIWAS na ako sa MALING UNAWA na ito at tinangap ang KATOTOHANAN na ang DUGO ay HINDI PAGKAIN.

Kaya po kapag IBINAWAL ang GINAGAWA ng TUNAY NA LINGKOD ay NAGSISILAYO o UMIIWAS upang MATUPAD nila ang KAUTUSAN.

MARAMI po talaga sa ating panahon NGAYON ANG TUMUTULAD sa MATANDANG AHAS.  GUMAGAWA ng DAHILAN para tayo ay LUMABAG sa INUTOS ng DIYOS. PINIPILIPIT ang SITAS upang IPASUNOD ang UNAWA niya IMBIS ang ARAL na NASUSULAT.


Take note MALINAW po ang PAGKAIN na PINAKAKAIN ng Diyos  nun pa sa panahon ni Noe at IBANG IBA ang pagTUTURING sa DUGO. Hindi po ito PINAKAKAIN ng Diyos.
"Nguni't ang LAMANG MAY BUHAY, na siya niyang DUGO , ay HUWAG NINYONG KAKANIN"
Hindi po kumplekado ang UTOS na ito sa mga TUNAY NA HINIRANG ng Diyos. Kaya HINDI po rin NATIN dapat IPAGTAKA na sa ating panahon meron pong mga KAMPON ang MATANDANG AHAS.


Hindi po natin ito DAPAT IPAGTAKA. May mga nagdadamit TUPA ngunit LOBONG MANINILA pala. Ang TRABAHO nila ay MANLINLANG. BINABALUKTOT nila ang KATOTOHANAN. 


So sa puntong ito TUMBOK na NATIN na ang DUGO po sa panahon pa ni Noe ay HINDI TINUTURING PAGKAIN. 
Ano pa ang UTOS ng DIYOS kung ano ang DAPAT NILANG GAWIN sa DUGO?
 Deuteronomio 12:16 "HUWAG LAMANG ninyong KAKANIN ang DUGO; INYONG IBUBUHOS sa LUPA na PARANG TUBIG"
Malinaw po na IBUBUHOS SA LUPA ang DUGO at HINDI PO yun IBUBUHOS SA KALDERO para LUTUIN. Ito ang BATAS ng Diyos na IBINIGAY simula pa kay Noe at sa kaniyang mga anak.
Kay Noe lamang ba at sa kaniyang mga anak IPINAGBAWAL ng Diyos ang PAGKAIN NG DUGO? Ito po sinasabi ng Banal na Kasulatan para sa ating PAKINABANGAN.
Levitico 17:10-12 MBB "Ang SINUMANG kumain ng DUGO ay MAGIGING KALABAN KO at ITITIWALAG sa KAPULUNGAN, maging ISRAELITA o DAYUHAN man. 
SAPAGKAT ang BUHAY ay NASA DUGO at INIUTOS ko na DAPAT IHANDOG sa INYONG BUHAY.  Kaya nga , di ito DAPAT KANIN NINUMAN, maging SIYA'T ISRAELITA o DAYUHAN man."
Bakit po dapat HINDI KANIN ANG DUGO o HINDI ITURING man itong PAGKAIN?  ito po ang sabi ng Panginoong Diyos:
Ang SINUMANG kumain ng DUGO ay MAGIGING KALABAN KO at ITITIWALAG sa KAPULUNGAN, maging ISRAELITA o DAYUHAN man
Ano po ang SABI ng DIYOS kung bakit ito HINDI DAPAT KANIN?
SAPAGKAT ang BUHAY ay NASA DUGO at INIUTOS ko na DAPAT IHANDOG sa INYONG BUHAY
Kaya nga , DI ito DAPAT KANIN NINUMAN, maging SIYA'T ISRAELITA o DAYUHAN man
IPINAGBAWAL ng Diyos ang pagkain ng DUGO maging ISRAELITA man o NANDARAYUHAN sa kanila. Pagkat MAGIGING KALABAN ng Diyos ang SINUMANG KUMAIN ng DUGO.  Pagkat INUULIT po natin HINDI PO PAGKAIN KASI ANG DUGO. 
Ngayon naman po PANAHONG KRISTIYANO nanatili po ba ang PAGBABAWAL?
May mga defensor KATOLIKO na nagsasabi at nagTUTURO na TUWIRANG PINAALIS na ang PAGBABAWAL HINGGIL sa PAGKAIN NG DUGO sa panahong KRISTIYANO. 


MARAMING KATOLIKO na HINDI nakakaalam na MISMONG mga AUTORIDAD nila ang NAGSASABI na PINAGBABAWAL po ang PAGKAIN ng DUGO.  Mantakin mo nga naman yan.


MISMOng AUTORIDAD KATOLIKO po nagPAPATUNAY na BAWAL po ang PAGKAIN ng DUGO. Ito ang IPIHAYAG ng ating WITNESS na isang PARING JESUITA na si John L. Mckenzie:
"In the OT blood is the LIFE of the LIVING BEING (Gn. 9:4; Dt. 12:23). Man and other animals are composed of FLESH AND BLOOD. For this reason the EATING OF BLOOD is PROHIBITED (Gn. 9:4; Lv. 1710 ff); LIFE is conferred by GOD and is under HIS dominion. This probhibition was RETAINED in the APOSTOLIC CHURCH (Acts 15:20)" - (Dictionary of the bible, p. 99) 
Sa Pilipino:
"Sa Matandang Tipan ang DUGO ay SIYAN BUHAY ng NABUBUHAY na NILALANG (Gen. 9:4; Deut. 12:23). Ang tao at ang ibang mga hayop ay binubuo ng LAMAN AT DUGO.  Sa kadahilanang ito kung kaya't IPINAGBAWAL ang PAGKAIN NG DUGO (Gen 9:4; lev. 17:10 atbp.); Ang BUHAY ay ipinagkaloob ng DIYOS at NASA ILALIM ng Kaniyang PAMAMAHALA.  Ang PAGBABAWAL na ITO ay PINANATILI ng IGLESIA sa PANAHON ng mga APOSTOL (Gawa 15:20)."
Ayon po sa paring si John Mckenzie, ang PAGBABAWAL ng PAGKAIN ng DUGO ay NANATILI hanggang sa panahon ng mga APOSTOL. Take note po AYUN ito sa isang PARING KATOLIKO.


Ayun naman po sa Banal ng Kasulatan tunay bang pinagbabawal ang PAGKAIN NG DUGO maging sa PANAHON NG MGA APOSTOL?
Gawa 15:29 (MB)  HUWAG kayong KAKAIN ng anumang inihandog sa mga diyus-diyosan, NG DUGO at ng hayop na binigti. Huwag kayong makikiapid. LAYUAN NINYO ang mga bagay na ito at mapapabuti kayo. Paalam.
Hindi po MATUTULAN NINOMAN kahit pa MAGLULUPASAY pa siya sa kawalang unawa niya MALINAW po na PINAGBABAWAL po ang PAGKAIN ng DUGO sa panahon ng mga APOSTOL at ng mga KRISTIYANO.

Dapat din po ninyong MAPANSIN na ang salin ng kasulatan po na ito ay PINAGTULUNGANG ISALIN ng mga PROTESTANTE AT KATOLIKO. Mayroon itong IMPRIMATUR na ang NAKALAGDA ay ang yumaong si Jaime Cardinal Sin.

Huwag po ninyong IPAGTAKA na merong pong mga defensor Katoliko na KOKONTRAHIN maging ang kanilang mga AUTORIDAD sa LAYUNING pong MAHIKAYAT po kayo sa kanilang MALING UNAWA.

MagPAPATUNGKOL sa terminong GRIEGO na ORIHINAL KUNO. Pero di naman MAPAKITA ang REFERENCIA niya kung ALIN bang MANUSKRITOng GRIEGO na ginagamit ng mga BIBLICAL SCHOLARs sa kani kanilang TRANSLATIONs.

At KAHIT pa po SUNDAN pa natin sila sa kanilang pagkaUNAWA. Malalaman po natin na MALI po ang PAGKA-UNAWA nila.

Tulad po ng ating dear Bibe sa blog po niya ito sinabi ukol sa isang sumagot sa kanya na ang salin ginamit po ang terminong ginamit ay "MAGSILAYO" at hindi raw po "HUWAG" kung kaya't INUNAWA niya na HINDI NA PO RAW BAWAL ang pagkain ng DUGO:
NAGTURO nga po ng mga apostol. Ang tanong ay ANO po ba ang ITINURO NILA? SINABI po ba NILA na BAWAL KUMAIN ng DUGO?
HINDI po. Ang sabi po ay "MAGSILAYO." HINDI SINABI na BAWAL.
Ngayon, kung titingnan pa po natin sa ORIHINAL ng GREEK ay makikita natin na ang salitang ginamit diyan ay APECHOMAI.
Ang ginamit po kasing salita sa GRIEGO ay APECHOMAI.
Ayon po sa STRONG’S GREEK DICTIONARY, ang ibig sabihin ng APECHOMAI ay "to hold one's self off, refrain, abstain."
Sa Pilipino, "PIGILAN ang SARILI, TUMIGIL MUNA, UMIWAS."
Mula po sa ating dear Bibe sinabi ba raw na BAWAL KUMAIN. Ang sagot niya HINDI PO. Nako po naman talaga. Kita ninyo naman yan mga kababayan KONTRA si dear Bibe sa kanyang PARING KATOLIKO na si Mckenzie ukol dun. Take note lang niyan. MagkaKONTRA siya sa PARI nila. Hindi po KATAKATAKA ito. O tuloy lang natin.

Kung bakit ito ang dahilan niya ito po sabi ni dear Bibe "Ang sabi po ay "MAGSILAYO." HINDI SINABI na BAWAL."

At ang isa pang DINADAHILAN pa niya "Ngayon, kung titingnan pa po natin sa ORIHINAL ng GREEK ay makikita natin na ang salitang ginamit diyan ay APECHOMAI.
Ang ginamit po kasing salita sa GRIEGO ay APECHOMAI."

At ang paka-unawa ngayon niya: "Ayon po sa STRONG’S GREEK DICTIONARY, ang ibig sabihin ng APECHOMAI ay "to hold one's self off, refrain, abstain." Sa Pilipino, "PIGILAN ang SARILI, TUMIGIL MUNA, UMIWAS.""

Isipin mo nga naman na meron po talagang mga tao na NANGANGATUWIRAN para lang isangkalan ang MALING pagka-UNAWA. May ihinain pang ORIGINAL NG GREEK nga daw. Aba mantakin mo nga naman kung di ka masyadong pala-suri animo'y may batayan nga siya. 

E sana po dear Bibe paki sabi SAAN mo napulot ang referencia ninyo sa Codex Sinaiticus po ba or Codex Vaticanus ba? Aling pong ORIHINAL na greek manuscript po ang binabatayan ninyo? 

IBIG po bang SABIHIN ang GINAMIT ng mga NAGLINBAG na mga AUTORIDAD PROTESTANTE at MAgING AUTORIDAD KATOLIKO AY NAGKAMALI sa pagTRANSLATE mula sa ORIHINAL na GREEK TEXT???  Isipin mo nga naman yan. 

Kahit pa may IMPRIMATUR pa ito ng AUTORIDAD KATOLIKO may mga defensor katoliko na KINOKONTRA at WALANG UTANG NA LOOB na LAPASTANGININ ang kanilang mga AUTORIDAD. 

kaya po mga kababayan dapat po wag po tayo padadala agad sa mga gayong mga PANGANGATUWIRAN.

Kahit pa sundan natin siya sa pakaUNAWA niya MALINAW po ang PAGTUTURO ng KASULATAN. Ang ibinigay na kahulugan ng ating Bibe ay ito : 
ang ibig sabihin ng APECHOMAI ay "to hold one's self off, refrain, abstain." Sa Pilipino, "PIGILAN ang SARILI, TUMIGIL MUNA, UMIWAS."
Tama po REFRAIN at ABSTAIN ay YUN PO ang GAGAWIN. Take NOTE po kapag GINAWA mo ito NATUTUPAD mo ang KASULATAN ito po ang ACTION na GAGAWIN kapag IPINAGBABAWAL gawin. 


Sabi pa ni dear Bibe PIGILAN sa english po ay STOP or PROHIBIT. Ang TAGALOG po sa PROHIBIT ay IPAGBAWAL. O di NATUMBOK NATIN.


Sa mismong termino na ginamit at TINATANGAP niya. Pero di ata niya ito INUNAWA. Hindi po kasi nakakapagtataka ito. Ang ninanais lang po kasi ni dear Bibe ay isangkalan ang UNAWA niya.


At ito pa sinangakalan niyang mga termino "TUMIGIL MUNA" take note MAGKAIBA po ito sa UMIWAS o PIGILAN. Bakit? abay masdan ninyo may DINAGDAG po siya ang terminong "MUNA".


Nais ipalabas ng ating dear Bibe na yun ang diwa ng NASUSULAT. Na hindi kasi termino na BAWAL o HUWAG ang ginamit gusto niyang ISANGKALAN ang termino na HAKA ng kanyang maling unawa. 


Puwede ba dear Bibe TUMIGIL ka nga. Wag ninyong dagadagan ng terminong "MUNA" para ipalabas mo na TEMPORARY lang ang UTOS na yun.


Yun po kasi NINANAIS ni dear Bibe. Wag pong ganun my dear. MALI YAN.  Tama po UMIWAS. Yun po kasi gagawin para matupad ang UTOS ng PAGBABAWAL. Kaya nga po sa IBANG SALIN
HUWAG kayong KAKAIN ng anumang inihandog sa mga diyus-diyosan, NG DUGO at ng hayop na binigti. 
Bawal po ba ang pagkain ng DUGO. But of course naman po. MALINAW po ang UTOS. Dahil ALAM ng isang TUNAY NA LINGKOD ng Diyos na ang DUGO ay HINDI KAILANMAN ITINURING PAGKAIN.

KAYA po magINGAT po tayo sa MALING UNAWA. Meron pong GUMAGAMIT ng SITAS na kung hindi po UUNAWAING mabuti ay MAPAPANIWALA po kayo sa NINANAIS nilang IPAGAWA po sa inyo.

May mga terminong PAGLALARAWAN po ukol sa DUGO NI JESUS. Take note PAGLALARAWAN lang po iyon. Hindi po LITERAL na DUGO ni Jesus ang pinaiinom sa mga TUNAY NA LINGKOD ng Diyos.

Kapag SINABI pong UMIWAS , ito po ang PINAGAGAWA para masunod natin ang ARAL. Wala pong terminong MUNA run na pinalalabas po ng iba diyan. WALA pong SINASAAD na TEMPORARY lang po ang PAG-IWAS.

Simply lang po ang UTOS at yun ay UMIWAS kayo sa DUGO. Kapag BINAWALAN po kayo NATURAL lang po ang ACTION na GAGAWIN natin ay UMIWAS. MALING UNAWA po ang sinasabi ni dear Bibe na "TUMIGIL MUNA" na animo'y parang PANSAMANTALA ang PAGPAPA-IWAS sa DUGO. Hindi po WALANG GANUN sinasabi ang KASULATAN.

LIHIS yun sa pinagUUTOS gayon ang NINANAIS ng ALAGAD ng DIABLO. Hindi po KATAKATAKA na magDADAHILAN po talaga sila na KESYO "TUMIGIL MUNA" abay MADADAYA po tayo upang HINDI SUMUNOD sa PINAG-UUTOS ng Diyos. 


Gayon naman kasi ginawa rin ng MATANDANG AHAS kina Eba at Adan. Sinabi pong HUWAG sa MATANDANG AHAS ay PUPUWEDE.

Maging MATATAGTAG po tayo sa UTOS ng Diyos. UMIWAS po kayo sa DUGO dahil kung HINDI ay MAGIGING KALABAN ninyo ang DIYOS. Tandaan po ninyo.


Ang Pagbabawal Sa Pagkain ng Dugo ay Panghabang Panahon.

1 comment:

  1. Di lang sa Lumang Tipan,pati sa Bago nakasaad din na pinagbabawal ng Apostoles ang pagkain ng dugo,pati na rin ang immoral na gawain.

    Got it?

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...